Photo Albums.

Back when digital cameras were rare, my dad was fond of taking photos of some of my life’s milestones. I used to have fun playing with the negatives he kept in the cabinet in their bedroom. Raising them against the light, I try to match the negatives with the developed photos. We collected these photos throughout the years, and put them into photo albums. At the moment, they’re sitting beneath our coffee table in our living room. Any curious mind can get one and peek through the memories inside.

It’s funny, how times have changed since then.

With the rise of technology, there’s no need for us to go to developing shops to get our photos. Anyone with a smartphone equipped with a camera can just point and shoot whenever they want.

Dust have been collecting on top of the albums for some time now.

I wonder, in 10 years time, will the people in those photos remember the memories within?


In the story of Kambal, there was a line there that have made me ponder.

To quote the story,

‘Uwing pinag-uusapan nila kami, kamangha-mangha ang kuwento. Kakaiba ang aming itsura.’

Noong una kasi kaming nagpakita sa kanunuan ng mga taong hindi nakakaalam sa aming pinagmulan at sa mga hindi nakakaalala sa magkalingkis naming pinanggalingan, kinailangan namin silang maghain.

‘Everytime they talk about us , our stories are always dazzling. Our looks are unworldly.’

‘The first time we showed ourselves to your ancestors, to those who doesn’t know about our beginnings and our linked origins, we have to amaze them.’

She was talking about the supernatural beings that roam in that parallel dimension, who just looks like us and who live just like us, contrary to what we have always heard from our bedtime stories. They were talking about supernatural beings, of creatures who have lived long ago, who have power to rise mountains and tame seas. Creatures who live in majestic palaces, every nook and corner decorated with intricate furniture, which spoke of their status and power.

People can easily forget the simple things. That’s why authors wrap up everything they have learned and what they believe in in words, in stories that won’t be forgotten. These are the things that will still remain, even if their creators are long gone. Every story written is like a Pandora’s Box. Some of them will tell of the tragedies that have happened, but beneath the prose, there lies the author’s hope. That someone will keep on reading their stories in the future, and they would learn from it.

In The Music of Pestle-on-Mortar, the author talked about how stories can resound through our society, into the hearts of people, given that the author is in touch with their culture that they are from. It is crucial that our stories are built on our origins. This is what hooks people into the narrative, what makes them continue from start to finish.

Mythologies last. That’s why we incorporate supernatural beings into our stories. That’s why we create fantasies out of the top of our heads.

These beings are practically the embodiment of our bloody history, our way of living. That’s why the twin said that we are intertwined, right from the beginning.

Even when Amina grew up, even if she doesn’t see her twin like she had before, she can still feel her presence in places that people usually overlook. Even if her hometown is in the process of urbanization, her twin’s presence stays strong. The past still lingers. One cannot erase traditions and culture that easily.

Even if buildings start looming above us, even if people are exposed to different philosophies more so than before, their culture is forever etched into their identity. This is what colonizers can never truly conquer. This is why heroes rise from the depths of hardships, why they choose to fight those who hurt their Motherland. It flows through our veins, and it shall remain until our last days.


There’s a saying that a picture is worth a thousand words.

If so, then those photo albums must be worth a novel.

Within those pages lies a story, one that can be found everyday, if one wishes to find it. It’s nothing extraordinary, but it is special all the same. People in those photos might not remember, but it is a part of their timeline. It is these simple things that build us up into the person that we are now. These are our humble beginnings. To some, it is just an intermission to something far greater.

If the mind forgets, then these photo albums shall serve as a gentle reminder.

Advertisements

Ako si Oriang, Babaeng Umibig

Gregoria de Jesus

Gregoria de Jesus

Sandaan tatlumpu’t siyam na taong nakaraan

Ika-siyam nang Mayo kung matatandaan

Isang ineng ang iniluwal sa Kalookan

Na’syang magiging bahagi nang kasaysayan

Kikilalanin bilang Lakambini ng Katipunan

Kabiyak nang Supremo, ina nang digmaan

Lalaban, susugod, itataguyod ang bayan

Iyan ay si Ako, Oriang ang pangalan.

 

02-siya-po-ang-pangalawang-asawa

O anong sakit kung aalalahanin

Na ang aking kaarawan na maibigin

Ay nasapit at pumatak sa bisperas din

Nang kabiyak ang kamatayan ay sapitin

 

Ako ay nagmula sa pamilyang karaniwan

Gobernadorcillo ang ama nang tahanan

Matalinong estudyante, mahusay sa paaralan

Nanguna sa test kaya’t may karangalan

Kailangan ko sa pag-aaral ay huminto

Upang magpatuloy dalawang bunso

Pagsapit naman sa edad na disi-osto

Ako’y niligawan nang Bayaning Bonifacio

 

08-pumayag-din-ang-kanyang-mga-magulang-nang-sabihing-ikakasal-sila-sa-simbahan-ng-binondo-1893Anim na buwan, inibig ko na siya

Kahit pa tutol ang aking Ama

Pagiging mason niya, hindi ko alintana

O pag-ibig, tunay at dakila

 

Napapayag si Papa, kinasal sa Binondo

Upang siya ay matuwa, sa Simbahang Katoliko

Sa Katipunan kinasal kami, sumunod na lingo

Lakambini ng samahan, aking titulo.

Ang aking tungkulin aytagatago

Mga sandata, baril at palaso

Tagapag-alaga rin sa buong hukbo

Tuwing sila’y may sugat o kaya’y nasilo

 

Sa kabila nang lahat nang aking pagpagal

Ang samahang minahal ay di marangal

Inibig nang tunay ngunit anong sampal

Ang iginanti sa irog ko’t mahal

 

Siya ay pinagtulungan kahit walang laban

Nang inibig at binuo niyang samahan

Siya ay pinarusahan kahit walang sala

Binitay nang hindi maling akala

Pinagkaisahan nang buong kalipunan

Na buong lakas nyang pinagsilbihan

Sariling lahi siya ay kinalaban

Pinatay sa kamay nang inakalang kaibigan

Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Ito ang aking kwento na ibabahagi sa inyo

Nawa ay kapulutan nag aral at tuto

Ito ang aking kwento na ibabahagi sa inyo

Nawa ang lumabas lang ay pawang totoo

Tapos ang panahon na ang kalat ay huwad

Na ang buhay ko ay buhay nang iba

Tapos ang panahon na ang buhay ay luwad

Na ang kwento ay hinabi nang iba

 

Ako si Oriang at sinasabi ko ito

Kaya makinig ang lahat at matuto

Sa pagtampok sa akin bilang Babae nang Katipunan

Itinago nila ang siyang tunay na katotohanan

Ibinandila nila ang giting sa digmaan

Ngunit ikinubli ang tunay na karahasan

Silang pumatay, nagtaksil sa aking kabiyak

Sila ngayong kinilalang bayaning tiyak

 

Kaya aking pagsisigawan sa buong kapuluan

Hanggang marinig sa umpisa’t dulo nang kasaysayan

Ang pagtangis ko at pag-aasam nang katarungan

Para sa iniibig kong Bayani at Lakan

Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa Supremo.

Country of the Lowly o Low-class Nga Lang Ba Talaga?

Sa katatapos lang na FIBA 2014 World Cup sa Spain, nasaksihan ng buong mundo ang lakas, tikas, at #PUSO na ipinakita ng ating pambansang koponan. Dehado man sa height na mayroong average na 6-foot-3 lamang, kumpara sa halos 7-foot na average height ng iba pang koponan, hindi pa rin nagpadaig ang koponan ni Coach Chot Reyes. Nag-uwi lamang ng isang panalo laban sa Senegal ang Gilas Pilipinas, ngunit taas noo pa rin ang mga Pinoy sa world-class performance ng ating matitikas na manlalaro.

Sa likod ng pagbubunyi ng ating bansa sa naging pagpapamalas na naman ng galing ng mga Pinoy, tila marami pa rin ang walang hindi sumusuporta sa pagsabak ng ating bansa sa larangan ng basketbol. Isang pangunahing aspetong tinitingnan ng nakararami – ang pangangatawan nating mga Pilipino, partikular na ang ating HEIGHT.

Sa isang naging pagkukumpara ng height ng mga bansang kasapi sa ASEAN, kulelat ang ating bansa na ang average height ay 162 cm sa mga kalalakihan at 150 cm naman sa mga kababaihan. Ngunit sa height nga lamang ba tayo kulelat? O maging sa pagtingin mismo sa ating mga sarili?

Sa pagsasalaysay ng Three-time Palanca Award-winner at Philippine Normal University professor na si Ferdinand P. Jarin ng kanyang buhay, inilahad niya ang kanyang karanasan sa pagiging isang ‘bubwit’ – at kung paano niya natakasan ang kanyang pagkakaroon ng ‘kulelat’ na pagtingin sa kanyang sarili.

Bilang isang batang ‘maliit’ o kulang sa height, naranasan niya ang iba’t-ibang klase ng pagmamaliit ng ibang tao – naroong batukan siya ng kanyang mga kaklase, maging takbuhan ng tukso, at hubaran ng salawal ang kawawang batang ito. Bukod pa riyan, ramdam na ramdam din niya ang kanyang pagiging maliit sa tuwing siya’y nasa unahan ng pila sa flag ceremony.

Hindi naman lahat ng bagay sa pagiging maliit ay masama. Sa makatuwid, ibinahagi pa nga niya ang kanyang karanasan sa pagsuot sa mga barbwire ng bakuran ng kanyang eskwelahan upang maiwasan ang pagiging late sa klase. Bukod pa riyan, kung saan-saan pa ang mga lugar na kanyang pinagsususuotan na tila ba isang tunay na ‘bubuwit’ ngang talaga. Ika-nga, ismol but teribol.

Sa gitna ng mga maituturing na mapapait na karanasan sa pagiging maliit, nakahanap ng paraan ang ating bida upang matakasan ang rehas na dulot ng pagiging maliit, at ito’y ang pag-akyat sa isang puno ng mangga sa palaruang bahagi ng kanyang eskwelahan, partikular na ang tuktok ng puno kung saan matatagpuan ang isang tangke.

Ang tangkeng ito ay sumisimbolo sa kanyang mga ‘pangarap’ na ninanais marating sa buhay – mga lugar na hindi niya marating, matataas na gusaling hindi niya maabot, at magandang buhay na hindi niya maranasan. Sa itaas ng tangke ay natatanaw niya ang mga gusaling hindi pa niya napupuntahan. Napagmamasdan niya ang mga magagandang tanawing hindi pa niya kailanman nararating. Aliw na aliw siya sa pagmamasid sa mga kilos ng tao na tila ba siya ang diyos na nagdidikta ng ikot ng mundo. Sa itaas ng tangke, natatakasan niya ang pagiging maliit, at nararanasan niya ang maging matangkad, ang tingalain ng mga tao.

Matapos ang pagtatagal sa itaas ng puno ay hindi niya naiwasang mapapikit sa pagod at makaramdam ng pagkalula. Naisip niyang hindi rin pala maganda ang palagiang pamamalagi sa itaas, sapagkat sa isang malakas na ihip ng hangin lamang ay maaari ka nang mahulog mula sa iyong kinalalagyan. Nais na niyang magising sa katotohanan, balikan ang tunay niyang pagkatao, tanggapin ang kanyang identidad, tuparin ang kanyang mga tungkulin, at balikan ang kanyang payak na buhay.

Sa kanyang pag-akyat sa tangke ay kanyang napagtanto na hindi na pala niya kinakailangang maranasan ang buhay na naiiba sa kung ano ang mayroon siya. Kontento na pala siya. Higit pa, nalaman niyang ang kanyang mga pangarap ay higit pa sa tayog ng punong manggang kanyang inaakyat at buo ang kanyang pusong makakamtan niya ang mga ito.

Hindi lamang dapat ang pisikal na anyo ang dapat nating maging batayan ng kung hanggang saan ang maaari nating marating. Hindi rin natin dapat tingnan nang nakabababa ang ating sarili dahilan ng pagiging mas mataas ng iba sa atin. Bukod pa riyan, hindi rin natin dapat lagyan ng hangganan o limitasyon ang ating mga pangarap sa buhay.

Gaya ng Gilas Pilipinas, na hindi umurong sa matitinding pagsubok na pinagdaanan sa kamay ng mga koponang kalahok sa FIBA World Cup, hindi rin dapat tayo magpagapi sa kahit ano mang limitasyon – maging pisikal man o emosyonal ang takot na ito, height man o ang pagmamaliit ng iba. Mabigo man, tiyaking makababangon at matuto mula sa mga pagkakamali, sapagkat ang mga ito ang siyang huhubog sa pagkatao at pagkalahatang karanasan bilang isang indibiduwal.

Bilang isang bansa, dapat nating matutunang alisin na ang kulelat syndrome na sakit na ng nakararami sa atin – ang palagiang pag-tingin sa ating sariling lahi bilang mas maliit o nakabababang-uri. Sa tuluyang pag-galing lamang ng sakit na ito natin mahahanap ang nawawalang susi na siyang maaaring magturo sa atin sa ating nawawalang identidad bilang isang bansa.

Kung iisipin nga naman, hindi naman pangit o masama ang pagiging maliit, ah? Cute ang mga madadalas na ikinakabit na bagay sa pagiging maliit, mga bagay na kaakit-akit. Maaari ding tingnan ang pagiging maliit bilang isang uri ng pagpapakababa o pagiging humble.

O masama nga kaya?